Nagkaroon ng bahagyang kaguluhan sa ikalawang araw ng pamamahagi ng susbsidy payout para sa mga taxi drivers ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Reklamo ng mga drivers na hindi naging maayos ang pagpapapila sa mga kanila sa Land Transportation Office Activity Center.
May ilang driver pa ang bahagyang nahilo na agad namang binigyan ang mga ito ng lunas.
Hiniling ng mga taxi drivers na dapat ay magkaroon ng magandang sistema ng pamamahagi ng kanilang mga ayuda.
Una ng iniulat ng LTFRB na umabot sa mahigit 1,000 na mga taxi drivers ang nabigyan nila ng tulong kung saan personal na inalalayan ni chairman Vigor Mendoza ang pamamahagi.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Samuel Ramos ang regional chairman ng Manila Taxi and Regional Association (MANTRA) dahil sa tulong na ibinigay ng gobyerno.
















