CAUAYAN CITY – Natatambakan na ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) dahil bumagal na ang proseso ng pagkuha sa resulta ng mga specimen na dinadala sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing laboratory sa rehiyon.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, kanyang sinabi na natambakan na ang testing center ng Department of Health (DoH) sa Region 2.
Aniya maliit lamang ang kapasidad ng testing machines ng DoH Region 2 na nasa 35 specimen lamang ang maaring i-test sa loob ng isang araw.
Sinabi ni Dr. Baggao na dahil ito sa pagdagsa ng specimen sa DoH region 2 na galing sa CVMC, Southern Isabela Medical Center at Region 2 Trauma Medical Center.
Ang mga nagpositibo sa COVID-19 ay kinakailangan din ang contact tracing sa mga nakasalamuha na isasailalim din sa swab test.