CAGAYAN DE ORO CITY – Ginahasa na, ninakawan pa.

Ito ang pagsasalarawan ng isang ginang matapos pinasok ng nag-iisang kawatan ang kanilang bahay sa bahagi ng Blot-2 Lot-15, Royal Palm, Brgy. Macasandig nitong lungsod.

Iginiit ng mga nakaresponde sa biktima na itinali pa ang dalawang kamay at paa ni alyas “Baby” ng hindi pa nakikilang magnanakaw, Lunes ng madaling araw.

Mabilis na dinala sa Madona and Child hospital ang biktima, subalit dahil sa kakulangan ng medical equipments ay nai-transport ito sa Polymedic Plaza, Velez St. sa lungsod.

Sinabi ni Police Major Erickson Sabanal, na nalimas ng suspek ang mamahaling personal belongings ng suspek kagaya ng Laptop, Passport, cell phone at cash na nakatago sa kanyang kaha.

Base sa initial na report, nasunog ang private part ng babaeng biktima dahil isinilid ng suspek ang taser at kunuryente ang kanyang ari.