ROXAS CITY – Viral ngayon sa social media ang kuhang video ng isang concerned citizen kung saan makikita ang panggagalaiti ng galit ng isang babae sa mga traffic enforcer na sumita sa kaniya dahil sa illegal parking ng kaniyang sasakyan sa Burgos Street, Roxas City.

Makikita sa kuhang video na sa halip na sumunod sa traffic enforcer ay matapang na lumabas ang babae sa kaniyang sasakyan at nakipag-debate pa ito.

Makikita ring pilit na pinapaintindi ng traffic enforcer sa naturang babae ang kaniyang naging bayolasyon ngunit sumasagot ito at nagsisisigaw.

Hindi naman nahuli ang naturang babae dahil pumasok rin ito sa kaniyang sasakyan at nilisan ang lugar.

Inulan naman ng negatibong komento ang naturang babae mula sa mga netizen.