DAGUPAN CITY – Nagtulungan ang ilang pulis sa Natividad, Pangasinan para makapanganak ng ligtas at maayos ang isang ginang na nakasakay sa tricycle.

Hindi na nagawang umabot sa ospital ng buntis na si Elgie Lumiran kaya isinilang nito ang kanyang baby sa sasakyan.

Batay sa ulat, nagsasagawa ng feeding program ang ilang opisyal ng Natividad PNP sa Brgty. Salud nang magpasaklolo ang ilang residente dahil sa panganganak ni Lumiran.

Si Cpl. Joanna Marie Badua, na isang nursing graduate, ang nanguna sa pagtulong.

Kasama niya si Master Sgt. Ching Ling Salguet.

-- Advertisement --

Sa ngayon nasa isang lying-in clinic sa kanilang bayan si Lumiran kasama ang malusog na baby boy.