-- Advertisements --

Nagising sa loob ng kabaong sa kanyang sariling burol ang isang matandang Ecuadorian na babae matapos itong e deklarang patay dalawang araw ang nakakalipas.

Sa isang video na pinost online, si Bella Montoya, 76 taong gulang, ay makikitang nakahiga sa kanyang kabaong habang malalim na hinahabol ang hininga.

Ayon sa kanyang anak na si Gilbert Balberán, hinahampas umano ng ina ang kabaong gamit ang kaliwang kamay nito matapos ang limang oras na burol.

Dadag pa ni Gilbert, binigyan pa aniya sila ng death certificate ng Martin Icaza public hospital sa baybaying bayan ng Babahoyo kaya buong akala nila ay patay na talaga si Montoya.

Base kase raw sa Health Ministry ng Ecuador, si Montoya ay na-admit sa ospital at hinihinalaang na stroke at nagresulta naman sa cardiorespiratoty arrest nang hindi ito tumugon sa resuscitation maneuver kaya naman idineklara ito ng mga doctor na patay na.

Sa ngayon, ayon kay Gilbert, ay naka oxygen na ang kaniyang ina at stable na ang tibok ng puso nito. Kinurot pa raw ng doctor ang kamay nito at nag-react naman ang ina. Ayon sa mga doctor ay nangangahulogan raw itong buhay dahil unti-unting nagrereact ang katawan ng naturang pasyente.