DRIVER TRAFFIC ENFORCER

ROXAS CITY – Viral ngayon sa social media ang kuhang video ng isang concerned citizen kung saan makikita ang panggagalaiti ng isang babae sa mga traffic enforcer na sumita sa kaniya dahil sa illegal parking ng kaniyang sasakyan sa Burgos Street, Roxas City.

Makikita ring pilit na pinapaintindi ng traffic enforcer sa naturang babae ang kaniyang naging paglabag ngunit sumasagot ito at nagsisisigaw.

Hindi naman inaresto ang naturang babae dahil pumasok rin ito sa kaniyang sasakyan at nilisan ang lugar.

Inulan naman ng negatibong komento ang naturang babae mula sa mga netizen.