CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela ngayon si PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr sa publiko nga hindi magpapa-apekto sa mga isyu na ibinabato laban sa kanilang nagsusumikap ng tunay na reporma na organisasyon.
Mensahe ito ng punong heneral ng pambansang pulisya alinsunod sa lumulutang na akusasyon na umano’y bahagi siya sa nasa likod pagtakpan ang nahuli na halos pitong bilyon piso na suspected shabu mula sa posisyon ni dismissed Police Staff Sgt Rodolfo Mayor Jr sa Tondo,Maynila noong Oktubre 2022.
Sinabi ni Azurin na saksi naman umano ang publiko kung gaano nagsusumikap ang mga naunang PNP officials upang ituwid ang ilang pagkakamali at kontrobersya ng organisasyon kaya umaasa ito na patuloy na susuportan ng taong-bayan.
Hinamon ng heneral na malapit na magre-retiro ang publiko na huwag bumitaw na tulungan na maitama ang ilang pagkukulang ng PNP kung nais nila ng tunay na pagbabago.
Si Azurin ay nakatakdang magre-retiro ng kanyang serbisyo bilang opisyal ng pambansang pulisya sa Abril 24 na ensakto mismo sa ika-56 na araw ng kanyang kapanganakan.