azkals
-- Advertisements --

Nabigo ang Phippine Azkals Under 23 National Team sa South Korea 0-3 sa kanilang unang laro ng 2022 AFC U-23 Asian Cup qualifiers.

Hindi nakayanan ang pagiging agresibo ng defending Asian Cup champions sa laro na ginanap sa Besar Stadium sa Singapore.

Nasa huling puwesto ang U-23 Askals sa Group H habang nasa unang puwesto ang South Korea.

Susunod na makakaharap ng national team ng bansa ang Singapore sa darating na Oktubre 23.

Ang 11 group na mananalo sa qualifiers ay makakapaglaro na sa 2022 Asian Cup ganun din ang best second-placed teams.

-- Advertisement --