-- Advertisements --

Nanawagan ang Philippine Azkals sa mga Filipino na suportahan sila sa kanilang nalalapit na laban sa susunod na linggo.

Muling sasabak kasi ang ating men’s football team na Azkals sa round 2 ng 2026 World Cup at 2027 AFC Asian Cup joint qualifiers.

Unang makakaharap ng Azkals ang Vietnam sa November 16 habang ang Indonesia naman sa November 21.

Ang nasabing mga laban ay kapwa gaganapin sa Rizal Memorial Stadium sa Lungsod ng Maynila.

Magugunitang noong nakaraang mga araw ay inilabas ng Azkals ang 26-man na sasabak sa nasabing torneo na pinangunahan ng beteranong si Neil Etheridge.