Napasama ang Philippine Azkals sa mas magaan umano na grupo para sa 30th Southeast Asian Games.

Sa isinagawang bunutan, nahanay ang Azkals sa mga bansang Timor Leste, Myanmar, Cambodia at Malaysia.

Itinuturing ngayon ng Azkals ang Malaysia na siyang runner-ups noong 2017, bilang mabigat na makakalaban sa SEA Games na magaganap sa Pilipinas.

Makakasama naman ng defending champion na Thailand ang Indonesia, Vietnam, Laos, Brunei at Singapore sa Group A.

Sa kabilang dako makakaharap ng Philippine Malditas, ang women’s football team ang Myanmar at Malaysia sa Group A.