-- Advertisements --
Muling nanawagan ang Philippine Azkals sa publiko na manood sa kanilang laban sa Rizal Memorial Stadium para sa ikalawang round ng World Cup at Asian Cup Preliminary Joint Qualifiers.
Una kasing makakaharap nila ang Vietnam sa Nobyembre 16 at susunod ang Indonesia sa Nobyembre 21.
Pangungunahan ng beteranong si Neil Etheridge ang 26-man team na Azkals.
Makakasama nito ang pangunahing manlalaro ng koponan na sina Manny Ott, Patrick Reichelt, Mike Ott, Kenshiro Daniels, OJ Portia at Daisuke Sato.
Sinabi ni Azkals coach Michael Weiss na isang magandang kumbinasyon ang kanilang line up na dapat abangan ng mga Pinoy fans.