-- Advertisements --

Hindi itinanggi ni Philippine Azkals na isang malaking hamon ang pagharap nila sa Thailand sa nagpapatuloy na ASEAN Football Federation Mitsubishi Electric Cup.

Maghaharap kasi ang dalawang koponan sa araw ng Lunes, Disyembre 26 sa Thailand.

Sinabi ni Azkals coach Josep Ferre na may mga adjustments na silang inaayos para sa nasabing laban.

Kahit na tinalo aniya ng Azkals ang Brunei nitong Biyernes sa laro na ginanap sa bansa ay iba ang magiging trato nila sa Thailand.

Nauna ng tinalo ng Thailand ang Brunei 5-0 nitong Martes.

Aminado rin ang Azkals coach na bitin ang kanilang ensayo dahil sa pagkatapos ang kanilang panalo kontra Brunei ay kailangan nilang bumiyahe sa Thailand para sa nasabing laban.

Hindi naman nito binanggit kung ano-ano ang mga pagbabagong ipapatupad nito sa pagharap ng Azkals sa Thailand.