-- Advertisements --
Nabigo ang Philippine Azkals 2-0 sa Malaysia sa pagsisimula ng Football Association of Singapore (FAS) Tri-Nation Series.
Unang nagtala ng goal si Akhyar Rashid sa 24 minuto ng laro.
Ito ang unang beses na nagkaharap ang dalawang koponan mula noong 2022 AFF Suzuki Cup.
Ginagamit ng Azkals ang kumpetisyon bilang bahaygi ng FIFA windows na bahagi ng third round ng AFC Asian Cup qualifiers.
Ito rin ang unang paglalaro ni Neil Ethridge matapos ang hindi paglahok sa FIFA World Cup at Suzuki Cup qualifiers.
Hindi naman nakabilang sa Azkals si German Bundesliga player Gerrit Holtmann matapos na hindi payagang makabiyahe dahil sa nakapitan ng COVID-19 ang mga ka-miyembro ito.










