Idineklara ng Pangulo ng Azerbaijan na nabawi nila ang soberaniya ng kanilang bansa sa pinag-aagawang rehiyon ng Nagorno-Karabakh matapos ang inilunsad na 24 oras na military offensive laban sa mga katutubong Armenian forces.
Pinuri din ni Azerbaijan Pres. Ilham Aliyev ang kabayanihan ng mga sundalo ng kanilang bansa matapos na sumuko ang pwersa ng Karabakh.
Nasa 120,000 katutubong Armenian ang naninirahan sa South Caucasus enclave na kinikilala sa buong mundo bilang parte ng Azerbaijan.
Plano ngayon ng Azerbaijan government na ganap ng makontrol ang breakaway region.
Una rito, noong araw ng Martes, naglunsad ang militar ng Azerbaijan ng anti-terror operation na nagdedemand sa pwersa sa Karabakh ana buwagin ang kanilang iligal na pamumuno sa lugar.
Dahil sa walang suporta na nakuha ang katutubong Armenians mula sa karatig bansa, nagbunsod ito sa pagsuko ng mga ito,
Iniulat naman ng Armenian officials na nasa 32 katao ang napaulat na napatay kabilang ang 7 sibilyan at karagdagang 200 ang sugatan dahil sa labanan. Subalit ayon naman sa separatist Armenian human rights official, nasa 200 katao ang namatay at mahigit 400 ang nasugatan.