-- Advertisements --

Suportado ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. ang panawagan na bigyan din ng tulong ng pamahalaan ang mga napapabilang sa middle class.

Sinabi ni Abante na bukod sa social amelioration program na ibinibigay sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino, dapat na tulungan din aniya ng pamahalaan ang mga nasa middle class sa pamamagitan nang pagkakaroon ng isang bailout system para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Ilan kasi aniya sa mga negosyong napapabilang sa MSMEs ay nagsara magmula nang ipinatupad ang enhanced community lockdown kaya maraming mga empleyado ang walang trabaho rin sa ngayon.

Bagama’t mayroon nang ipinapatupad na mga hakbang ang pamahalaan para matulungan ang mga MSMEs tulad nang pansamantalang pagpapaliban sa pagbayad ng loans at renta, sinabi ni Abante na hindi ito sapat.

“Many MSMEs will deal with the slide in profits by cutting down overhead; this means letting go of employees. So, we may have a scenario wherein local businesses let go of people. We have to prevent this,” dagdag pa nito.

Ayon kay Abante, isa sa mga paraan para makatulong sa mga MSMEs ay pagbibigay ng tax credits sa mga bangko.

“If local banks will be given incentives, it will be a win-win for MSMEs, banks, and the economy,” giit ng konrgresista.