-- Advertisements --

NAGA CITY- Nagbigay ng ayuda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs) na dumaan sa Bicol Region.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Nonie Enolva, tagapagsalita ng BFAR-Bicol, sinabi nito na humingi ng request sa kanilang ahensya ang Presidential Adviser on Bicol Affairs hinggil sa pagbibigay tulong sa mga LSI na uuwi sa kanilang mga rehiyon.

Kaugnay nito, nagbigay umano ang BFAR ng mga pagkain para sa halos 2,000 katao na uuwi sa Region 10, 11 at 12 pagdating ng mga ito sa Matnog Port.

Sakay umano ang mga ito ng halos 72 na mga bus.

Ang naturang mga persona ay mula sa National Capital Region (NCR).