-- Advertisements --

Nakumpleto na umanop ng pamahalaan ang pagbibigay ng cash aid sa mga residente ng National Capital Region (NCR) kasunod nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) noong nakaraang buwan para mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año nasa kabuuang 11,226,946 katao sa Metro Manila ang nabigyan na ng cash aid.

Aniya, aabot sa P11.226 billion ang pondo sa Metro Manila para sa naturang programa ang naibahagi na mula sa kabuuang P11.256 billion.

Sa labas naman ng Metro Manila, partikular sa Laguna nasa 87.02 percent na ang distribution rate para sa 2.362 million recipients at Bataan na nasa 61.73 percent distribution rate na mayroong 431,054 recipients.

Ang cash aid ay P1,000 kada indibidwal at P4,000 maximum kada household.

Kung maalala ang Metro Manila ay inilagay sa ECQ mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang pagkalat ng highly contagious Delta variant.

Nasundan pa ang ECQ sa Metro Manila noong August 21 hanggang September 15.