Binuweltahan ni Awra Briguela sa pamamagitan ng pagsampa rin ng kaso laban sa nakaalitan nito sa bar sa Makati noong nakaraang buwan.
Isinumite ang nasabing sinumpaang salaysay ng actor sa opisina ni Makati Senior Assistant City Prosecutor Arvin Amara.
Sinabi ng kaniyang abogado na naghain sila ng counter affidavit para sagutin ang tatlong kaso na isinampa laban sa kaniya.
Kasama sa nasampahan ng kaso ang nakaalitan ng actor na si Christian Ravana.
Si Ravana ang unang nagsampa ng kaso laban actor na paglabag sa Article 283 (light threats) sa ilalim ng Revised Penal Code, ganun din ang grave coercion at ang paglabag sa Safe Space Act.
Nahaharap din ang actor ng mga kasong simple disobedience to a person in authority at slight physical injuries.
Nanindigan ang abogado ni Ravana na si Atty. Nick Nangit na walang anumang nagaganap na aregluhan ukol sa nasabing kaso.