-- Advertisements --
GAWAD URIAN HAYOP KA 1

ILOILO CITY – Nanalo bilang Best Animation ang award-winning Filipino animated film na “Hayop Ka: The Nimfa Dimaano Story” sa kakatapos na 44th Gawad Urian.

Naging nominado nga ang nasabing pelikula sa pitong kategorya ng patimpalak kabilang na ang Best Film, Best Music, at Best Screenplay.

Sa naging post ng production team ng animated film, grateful ang mga ito at nakakataba umano ng puso ang parangal na kanilang natanggap.

Sa una ngang naging pahayag ni Direk Avid Liongoren sa Star FM Baguio, nagpapasalamat ito dahil patuloy na nakilala ang kanyang likha sa iba’t ibang mga awarding bodies at maging sa mga international film festivals.

“It’s always fun to win! It’s makes us optimistic kasi nga like I said It’s gonna take 3 years to make the film. It’s a long journey to always on creating an animated film so it’s good to have little beads of optimism. Ang yaman-yaman ng kultura natin, maraming mga gawang Pilipino na dapat tinatangkilik natin”

-- Advertisement --

Kamakailan rin ay kinilala ang “Hayop Ka: The Nimfa Dimaano Story” sa mga prestihiyosong animation festivals sa mundo kabilang na ang Annecy International Animation Film Festival sa France at Stuttgart Festival of Animated Films sa Germany.