Kinumpirma na ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Budget Sec. Wendel Avisado.

Sa ginawang pagdinig ng CA Committee on Budget and Management, nangako si Avisado na sa panahon ng kaniyang panunungkulan ay isasailalim nito sa review ang procurement process ng ng gobyerno.

-- Advertisement --

Sisikapin din daw nilang mapunan at mapondohan ang mga bakanteng posisyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

Si Avisado ay naitalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DBM noon pang Agosto 2019.