-- Advertisements --
NAIA STRANDED PASSENGERS

Inatasan na ng Philippine National Police ang Aviation Security Group nito na makiisa sa pagbibigay tulong para sa mga stranded passengers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa gitna ito ng puspusang pagkilos ng civil aviation authorities upang muling maibalik sa normal na operasyon ang mga flight dito kasunod ng naranasang aberya sa air traffic management system nito sa nakalipas na araw.

Sa isang pahayag ay tiniyak ni PNP chief PGEn. Rodolfo Azurin Jr. ang kahandaan ng kanilang hanay partikular na ang Aviation Security Group nito upang tumulong at umalalay sa mga pangangailangan ng mga na-stranded na mga pasahero bilang bahagi pa rin ng kanilang mandato na siguraduhin ang kaayusan sa lugar maliban pa sa seguridad nito.

Habang para naman sa vehicular at pedestrian traffic control ay katuwang din aniya ng sabing grupo ng Kapulisan, at pamunuan ng Manila International Airport Authority ang Southern Police District na siyang may sakop sa territorial jurisdiction sa NAIA complex.

Samantala, bukod dito ay inihayag din ni Azurin na para naman sa augmentation at operational support ay nakahanda na rin ang iba pang National Support Units ng pambasang pulisya na kinabibilangan ng Explosive Ordinance Disposa K9 Group nito, Health Servicem at Police Community Affairs Development Group.