-- Advertisements --
BIR 1

Mas pinalawig pa ngayon ng Bureau of Internal Revenue para sa availment period ng estate tax amnesty sa bansa ng hanggang Hunyo 2025.

Sa isang statement ay ipinaliwanag ng BIR na ang naturang hakbang ay kaugnay sa Republic Act No. 11956 o ang Estate Tax Amnesty Extension Act na naisabatas noong Agosto.

Ang naturang batas ay mas pinapalawig pa ang availment ng estate tax amnesty hanggang sa June 14, 2025 o katumbas ng dalawang taon.

Upang maipatupad ito ay naglabas ng Revenue Regulations No. 10-2023 ang BIR, na nagpapalawig nga ng coverage ng Estate Tax Amnesty kabilang na ang mga estate individuals na pumanaw na noon o bago ang petsang May 31, 2022.

Sa isang pahayag naman ay sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na umaasa siyang sa pamamagitan ng hakbang na ito ay mas maraming mamamayan ang mag-avail ng Estate Tax Amnesty.

Kung maaalala, makikita sa datos na inilabas ng Department of Finance na mula sa pagsasabatas ng Tax Amnesty Law noong taong 2019 hanggang Marso 31, 2023 ay nakolekta na ng pamahalaan ang P7.41 bilyon mula sa 133,860 na benepisyaryo na nag-avail ng estate tax amnesty.