Ipinaalala ng Department of Trade and Industry (DTI) na agad ng iiral ang automatic price freeze sa mga basic necessities at mga prime commodities (BNPCs) doon sa mga lugar sa bansa na deklaradong nasa state of calamity.
Ayon kay DTI Secretary Fred Pascual, na nakamonitor siya habang nasa Belgium, ay masusi nilang tinututukan ang pagpapairal ng price preeze katuwang ang Office of the Civil Defense (OCD) doon sa mga lugar na merong deklarasyon ng state of calamity.
Nagbabala ang kalihim na ang mga establisyementong mapapatunayang lumabag sa prize freeze ay isasailalim sa administrative cases at pagmumultahin.
Batay sa batas na Price Act, ang mga business establishments na matutukoy na lumabag sa price freeze ay may parusa ng pagkakakulong mula isang taon hanggang 10 taon o kaya multa mula P5,000 hanggang P1,000,000 o kaya sa dalawang parusa dpeende sa discretion ng korte.
Sinasabi pa ng Department of Agriculture (DA) na nasa ilalim nila ang presyuhan ng rice, corn, cooking oil, fresh, dried at iba pang marine products, fresh eggs, fresh pork, beef and poultry meat, fresh milk, fresh vegetables, root crops, sugar, fresh fruits at iba pa.
Habang ang Department of Health ang siya namang nagmomonitor sa presyuhan ng mga pangunahing gamot na nasa essential.