-- Advertisements --

Ibinunyag ni Regional Election Director Atty. Lionel Marco Castillano na plano umano ng Commission on Elections na ipapatupad ang internet voting para sa mga absentee voters pagsapit ng taong 2025.

Sinabi pa ni Atty. Castillano na ito’y matapos na obserbahan nila ang mababang turnout ng overseas absentee voting sa mga lugar kung saan pinapayagan ang mail voting.

Sa kabila pa umano nito, nakikita pa nila na mababa pa rin ang voter turnout.

Posible pang dahil doble kayod ang mga manggagawa sa ibang bansa o dalawa ang pinasukang trabaho kaya di na magawang i-mail ito pabalik.

Kaya naman, para ma facilitate pa umano ang mga ito ay kukuha sila ng provider at safe na technology para sa isang safe na internet voting.

Maliban dito,idinagdag pa niya na plano din umano ng COMELEC na ipatupad ang automated barangay elections, early voting para sa mga senior citizen at mall voting sa 2025.

Isasagawa ang mall voting simulation sa isang mall sa bayan ng Consolacion ngayong darating na Hulyo upang matukoy kung maari pa itong ipatupad sa susunod na halalan.

Inamin naman ni Castillano na malaking hamon pa umano sa pagpatupad ng automated election ay ang badyet, teknolohiya, at mga hadlang sa oras.