-- Advertisements --
Tinapos na ni world number 2 tennis star Daniil Medvedev ang kampanya sa Australian Open ni Nick Kyrgios.
Nakuha kasi ng Russian tennis player ang score na 7-6(1), 6-4, 4-6,6-2 para makaabot sa ikatlong round.
Nabuhay ang loob ng mga Australian fans ng dalhin ni Kyrgios sa ikaapat na set ang laro.
Subalit hindi nagpabaya si Medvedev at tuluyang nakuha ang panalo.
Inamin ni Medvedev na nahirapan siya dahil sa home court advantage ang inilalaban ni Kyrgios subalit nanatili itong kalmado.