BOMBO DAGUPAN – Patuloy na nakikipagugnayan ang Australian embassy sa Lopez group of Companies na siyang nagmamay-ari ng Cessna plane na nawala noong Sabado ng umaga sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Denmark Suede mula sa bansang Australia na isang kapwa ring piloto na hinihinalang nag-crash ang Cessna plane dahil ang uri nito ay kaya lamang aniyang lumipad ng ilang oras.
Kinilala naman aniya ang apat na kataong lulan ng isang Cessna 340 Caravan plane na may registration number na RP-C2080 bilang sina Captain Rufino Crisostomo, ang crew nito na si Joel Martin kasama ang dalawa pang Australian Nationals na consultant ng Energy Development Corporation.
Umalis aniya ang eroplano ng 6:43 ng umaga at makalipas ang limang minuto, nag-take off ito at nawalan umano ito ng radio signal.
Idineklara na rin ngayon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nasa Distress Phase ang emergency.
Samantala patuloy parin aniya ang isinasagawang paghahanap ng mga awtoridad sa apat na kataong lulan ng eroplanong ito na bumagsak sa lalawigan ng Albay.