-- Advertisements --

Ikinababahala ngayon ng mga otoridad sa Australia na 3 katao na ang namatay dahil sa patuloy na pagkasunog ng malaking bahagi ng kagubatan sa naturang bansa.

Ilan sa mga mamamayan dito ay napilitang magpunta sa beach para lamang matakasan ang apoy.

Sinabi ni New South Wales Rural Fire Service Commissioner Shane Fitzsimmons na batay sa kanilang preliminary reports ay tatlong katao ang nawawala sa New South Wales.

Dagdag pa nito na delikado para sa mga pulis na pumunta sa mga apektadong lokasyon dahil hindi pa rin napapatay ang apoy.

“We have three people unaccounted for and the potential for three potential fatalities as a result of the fire on the south coast,” saad ni Fitzsimmons.

Dalawang biktima mula sa Cobargo ang hinihanalang patay habang isa naman sa Belowra.