Nagpatupad ng panibagong restrictions sa Sydney, Australia para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19.

Limitado lamang sa 10 katao ang pinayagang magtipon-tipon at pinagsabihan ang mga ito na manatili na lamang sa loob ng kanilang kabahayan.

Kabilang sa mga lugar na mayroong panibagong restrictions ay ang Central Coast at Blue Mountains.

Pinayuhan din ni New South Wale Premier Gladys Berejiklian ang mga mamamayan nito na magsuot sila ng face mask tuwing lumalabas ng bahay.