-- Advertisements --
Nakatakdang bumili ang Australia ng 220 na mga Tomahawk cruise missiles mula sa US.
Ito ay matapos na aprubahan ng US State Department ang kasunduan na nagkakahalaga ng nasa $900 milyon.
Ang nasabing kasunduan ay inanunsiyo ilang araw matapos na ianunsiyo Australia na bibili sila ng tatlong nuclear-powered attack submarines.
Sinabi ng mga opisyal ng Australian na ang nuclear-powered submarines ay may kakayahang magpakawala ng mga Tomahawk missiles.
Ayon naman kay Australian Defence Minister Richard Marles na mahalaga ang pagkakaroon nila ng longer-range missiles para matiyak ang kaligtasan ng kanilang bansa.