-- Advertisements --
Surpresang bumisita sa Baghdad, Iraq si US Secretary of Defense Lloyd Austin.
Sa kaniyang talumpati na mananatili ang mga sundalo ng US sa Iraq.
Siya ang unang pinakamataas na cabinet official na bumisita sa Iraq mula ng maupo sa puwesto si US President Joe Biden.
Isinagawa ang pagbisita ilang araw bago ang ika-20 taon anibersaryo ng paglusob ng US sa Iraq kung saan napatalsik ang diktador na si Saddam Hussein sa puwesto.
Iginiit pa nito na ipinagmamalaki ng US ang ugnayan nila ng Iraq para tuluyang labanan ang terorismo.
Pagtitiyak nito na tuloy-tuloy ang kanilang pagpapalakas ng kanilag ugnayan sa Iraq.