-- Advertisements --
Lalo pang lumakas sa mga nakalipas na oras ang bagyong Auring.
Ayon sa Pagasa, nasa severe tropical storm category na ito, kung saan may taglay na lakas ng hangin na 95 kph at may pagbugsong 115 kph.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 535 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Mabagal pa ring kumikilos ito nang patimog kanluran.
Nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal number one sa mga sumusunod na lugar:
Davao Oriental, eastern portion ng Davao de Oro (Pantukan, Maragusan, New Bataan, Compostela, Monkayo), eastern portion ng Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Prosperidad, Talacogon, San Francisco, Rosario, Bunawan, Santa Josefa, Trento) at Surigao del Sur.