-- Advertisements --

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ang ilang batas na nagdedeklara sa petsang August 30 bilang “National Press Freedom Day”.

Ito ay bilang pagkilala kay Marcelo H. del Pilar, ang ama ng Philippine Journalism, na kilala rin sa kanyang pen name na “Plaridel” na isinilang noong August 30, 1890.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 11699, ang National Press Freedom Day tuwing August 30 kada taon ay isang working holiday.

Upang matiyak na magiging makabuluhan ang pagdiriwang nito ay inatasan ng pamahalaan ang lahat ng ahensya ng gobyerno, maging ang mga pribadong sektor ay inaatasan na makisali at lumahok sa anumang isasagawang aktibidad sa lugar ng kani-kanilang mga opisina o establisyemento na may kauganayan dito.

Nasasaklaw nito ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at iba pa.

Habang inatasan naman na magsagawa ng consciousness-raising activities na may kaugnayan sa importansya, karapatan, at responsibilidad ng press ang Department of Eductaion (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan.