-- Advertisements --

Sinusubaybayan umano ni Senador Bato Dela Rosa ang proseso ng senado sa ‘Impeachment Trial’ ni Vice President Sara Duterte.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Atty. Israelito Torreon, kanyang ibinahagi na naka-monitor ang naturang senador sa mga kaganapan ngayon sa senado.

Bagama’t aminadong walang direktang ‘contact’ ang abogado sa kanyang kliyente na si Sen. Bato, nakaseseguro naman aniya siya na nakasubaybay ito sa ‘impeachment’ kontra sa ikalawang pangulo.

Patuloy lamang daw na naka-monitor ang senador sapagkat mayroon lehitimong banta na siya’y tuluyan arestuhin ng mga awtoridad.

Nahaharap kasi ngayon ang mambabatas sa ‘arrest warrant’ mula International Criminal Court na siyang ipinag-utos ng Department of Justice na ipatupad ng mga awtoridad.

Naniniwala ang kampo ni Senator Bato na maaaring maulit ang nangyari noon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan matapos arestuhin ay idiniretso tungo sa The Hague, Netherlands.

Maisa pang ulit na pinanindigan ni Atty. Torreon ang sinabi na makatitiyak umano na naka-monitor ang senador sa kinakaharap na ‘impeachment’ ng bise presidente.

Kumpyansa ito sa ‘performance’ ng mambabatas sa senado ngunit inamin na nagbago nang magkaroon ng bantang maaresto.

Ibinahagi naman ni Atty. Israelito Torreon na naniniwala din siya sa posibilidad na magpakita sa senado ang kanyang kliyente na si Sen. Bato Dela Rosa.

Habang hiling niya sa publiko na maunawaan ng mamamayan ang sitwasyon ng mambabatas kung bakit ito ‘absent’ sa senado.