Mariing tinanggi ng Department of Justice na magbibitiw sa pwesto si Attorney General William Barr.

Ito ay sa kabila nang naging pahayag ng abogado sa kaniyang malalapit na kaibigan at pamilya na kinokonsidera nito ang pagbaba sa kaniyang pwesto.

Kamakailan lamang nang pagsabihan ni Barr si US President Donald Trump na itigil na ang ginagawa nitong pagpapasaring sa mga kasong hinahawakan ng Justice Department.

Sa ibinahaging tweet ni Department of Justice Spokesperson Kerri Kupec, sinabi nito na walang balak magbitiw sa pwesto si Barr.

Hindi rin umano iniinda ng abogado ang kabi-kabilang request ng mga mambabatas na bumaba na ito sa kaniyang posisyon sa US government.

-- Advertisement --