-- Advertisements --

Posible sa mga susunod na araw ay maisasakatuparan na ng International Atomic Energy Agency (IAEA) inspectors ang pagtungo nila sa Russian-held Zaporizhzhia power plant sa Ukraine.

Sinabi ni IAEA Chief Rafael Grossi na mula pa noong nakaraang mga linggo ay hindi sila tumitigil sa konsultasyon sa dalawang bansa para matiyak ang kaligtasan ng mga inspectors.

Kabilang siya sa mga member ng team na bibisita sa nabanggit na planta.

Mayroong kabuuang 13 mga miyembro mula sa neutral countries ang lalahok sa nasabing nuclear inspections.

Ang nasabing anunisyo ay kasunod ng patuloy na pagpapaulan ng rocket sa nabanggit na planta.

Magugunitang nanawagan si Ukraine Foreign Minister Dmytro Kuleba sa mga sundalo ng Russia na dapat sila ay lumayas na sa planta.

Mula kasi noong Marso ay napalibutan na ng Russian forces ang planta kung saan ginagamit umano nila ito bilang panangga sa Ukraine.