-- Advertisements --
Ibinahagi ni International Atomic Energy Agency (IAEA) Director General Rafael Grossi ang ilang mga resulta ng kanilang inspections sa Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine.
Sa kaniyang pagbabalik sa kanilang headquarters sa Vienna, Austria, sinabi nito na labis siyang nababahala sa mga empleyado ng nasabing planta.
Ito ay dahil sa walang tigil ang nagaganap na palitan ng putok sa malaking bahagi ng Ukraine.
Mayroong mga limang miyembro nila ang naiwan pa sa planta para tiyakin na walang anumang problema ang planta.
Naayos na rin aniya nila ang ilang mga reactors na unang nagkaaberya.
Gumagawa aniya sila ng paraan para magkaroon ng physical presence sa planta.