-- Advertisements --
Nasa 90 % na mga atleta ng Malaysia na sasabak sa 30th Southeast Asian Games ang nabigyan na ng polio vaccine.
Sinabi ni Olympic Council of Malaysia (OCM) deputy president Datuk Seri Azim Zabidi na isinagawa nila ang pagbakuna matapos na makatanggap ng sulat mulal sa Philippine SEA Games Organizing Committee (Phisgoc) na mayroong outbreak ng polio sa bansa.
Mayroong kabuuang 1,114 na mga atleta at coaches ng Malaysia ang nakatakdang lumahok sa SEA Games na gaganapin sa bansa.
May kabuuang bilang naman 774 na atleta ng Malaysia kung saan 448 dito ay lalaki at 326 naman dito ay mga babae.