-- Advertisements --

Sinibak na sa puwesto ang assistant solicitor general (ASG) dahil sa kinakaharap nitong sexual harrasment ng 2 katao.

Base sa 22-pahinang desisyon na inilabas ng Malacañang, na “administratively liable” si ASG Derek Puertollano dahil sa sexual harrasment gn dalawang legal interns.

Pinaghahawak umano nito ang mga maselang bahagi ng katawan ng mga bikitma.

Ayon naman kay Solicitor General Menardo Guevarra na maari nitong iapela ang desisyon na ito ng Malacanang.

Magugunitang noong 2016 ay inaresto si Puertollano sa US dahil sa pananakit nito sa 13-anyos binatilyo habang dumadalo sa seminar sa international arbitration sa Washington.