Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan si Margarita “Meggie” Ochoa, na nag-uwi ng gintong medalya sa nakalipas na Asian Games na ginanap sa China.
Si Ochoa ang ang naging pambato ng Pilipinas sa Women’s 48KG Category sa 19th Asian Games at nagawa niyang patumbahin ang nakalabang Emirati sa sa Finals.
Sa naging pagkilala ng San Juan City, nagbigay ang LGU ng P100,000 sa kanya habang P100,000 naman ang ibinigay ni Mayor Francis Zamora.
Ang naturang reward ay sa kabila pa ng plake ng pagkilalang ibinigay ng LGU sa naging magandang performance ni Ochoa sa nakalipas na Asian games.
Samantala, batay sa batas, makakatanggap din si Ochoa ng P3million na insentibo – P2million sa ilalim ng National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act at P1 million mula sa Philippine Olympic Committee.