NAGA CITY – Pinag-aaralan pa ng provincial government of Camarines Sur na isailalim sa state of calamity ang lalawigan dahil sa banta ng African swine fever (ASF).

Sa pagharap ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte sa isang press conference nitong araw, sinabi nito na ikinikonsidera nila ang pagpapatupad ng kautusan dahil sa dami ng hog raisers sa lalawigan na pwedeng maapektuhan ng ASF.

Para sa gobernador, makabubuti kung may nakahadang dagdag na pondo ang lalawigan para ibigay sa mga apektadong hog raisers.

Una ng kinumpirma ng Department of Agriculture na magbibigay ito ng P5,000 financial assistance.

Dagdag pa ni Villafuerte handa magbigay ang provincial government ng karagdagang P3,000 para sa mga apektadong magbabababoy.