Nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ng country legend na si Garth Brooks.

Garth and Trisha

Sa kaniyang social media, inanunsiyo ni Brooks na naka-isolate ngayon ang asawang si Trisha Yearwood matapos na magpositibo sa virus.

Kahit na negatibo sa virus ang singer ay minabuti nito na mag-isolate dahil nakatira sila sa iisang bubong sa Tennesse.

Nahawaan ang asawa nito matapos na isa sa kasama nila ay nagpositibo sa COVID-19.

Malaki ang tiwala nito na agad na gagaling ang asawa nito.

-- Advertisement --