MANDAUE CITY – Nakakulong na ngayon sa Station 2 ng Mandaue City Police Office ang isang misis at umano’t kalaguyo nito na 43-anyos na seaman matapos na mahuling magkasama sa loob ng isang motel sa lungsod ng Mandaue.
Una rito, sabay ang mag-asawa na sumakay ng taxi ngunit naunang bumaba si mister.
Hindi pa namalayan ni misis na palihim pala itong sinundan ni mister.
Laking gulat na lamang daw nito na hindi dumiretso si misis sa pinagtatrabahuan at sa halip ay isa isang motel at kasama pa raw ang kalaguyo nito.
Dahil dito, agad namang humingi ng tulong si mister sa pulisya dahil sa kanyang nasaksihan.
Lumabas naman kaagad ang lalaking kalaguyo nito na may dala pang bag sa pagdating ng pulisya ngunit wala pa umano ang babae.
Sa una, akala nilang pinatakas na si misis ngunit bigla na lang silang nakarinig ng ingay sa kisame.
Doon na aksidente nahulog pala ang dalawang sandals ni misis hanggang sa makita na ang paa nito.
Samantala, inamin naman ng kalaguyo na seaman na tatlong taon na silang magkarelasyon ng babae at napag-alaman din na may-asawa rin pala ito.