Umaasa ang veteran promoter na si Bomb Arum na babalik pa rin ng ring ang undefeated at dating kampeon na si Tyson Fury na kamakailan lamang ay nagretiro na.
Ayon kay Arum, hangad niya na labanan ni Fury ang sinumang mananalo sa undisputed showdown nina Oleksandr Usyk at Anthony Joshua ngayong weekend na magaganap sa Jeddah, Saudi Arabia.
Kung maaalala kamakailan lamang nag-anunsyo si Tyson Fury ng retirement habang hawak pa rin ang WBC heavyweight title.
Ang rematch nina Usyk at British boxer na si Joshua ay paglalaban ang nakataya na heavyweight belts na WBO, IBF, IBO, at WBA.
Una nang tinalo ni Oleksandr si Joshua noong Setyembre ng nakaraang taon upang masungkit ang korona nito.
Sa ngayon tatangkain ni Joshua na makaganti at mabawi ang mga titulo na hawak ni Usyk.