MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa tuluyang bumababa ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito’y kasunod ng naitalang pagbaba sa 8,000 na bagong COVID-19 cases kahapon mula sa average na 10,000 hanggang 11,000 new cases sa nakalipas na mga araw.

“Itong medyo pagbaba ng mga kaso is an artifical decline dahil noong Linggo ang mga non-operational labs ay total ng 36. And it has affected the number of cases that we are able to detect and reported yesterday.”

Aminado ang opisyal na maaari pang magtuloy-tuloy ang mataas na bilang ng bagong COVID-19 cases.

Mararamdaman pa lang daw kasi ang epekto ng ipinatupad na enhanced community quarantine sa “NCR Plus” sa mga susunod na linggo.

“Because we know that the incubation period of this virus is 14 days.”

Bukod sa National Capital Region, patuloy pa rin daw na tumataas ang bilang ng COVID-19 cases sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, at Cordillera Administrative Region.

Apektado rin umano ang healthcare utilization rate ng naturang mga rehiyon.

“Communities pa rin ang nakikita nating clustering ng infection but nakikita nating tumataas sa workplaces. Nadagdagan ang bilang ng mga nagkakasakit sa workplace like hospitals at closed institutions.”

Sa huling tala ng DOH, aabot na sa 884,783 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.