-- Advertisements --
Itinalaga ng Malacanang si Undersecretary Ernesto Perez, deputy director general of the Anti-Red Tape Authority (ARTA) na maging officer-in-charge ng ahensiya.
Ito ay matapos ang pagkakasuspendi kay ARTA director general Jeremiah Belgica.
Ayon sa ARTA na pinirmahan na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga papel ni Perez sa bisa ng kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Magiging OIC lamang si Perez ng ahensiya ng hanggang Hunyo 30 o ang pagtatapos sa termino ni Pres. Duterte.
Magugunitang sinuspendi ng Office of the Ombudsman si Belgica at apat na ibang opisyal ng ARTa dahil sa umano sa pagbibigay pabor at special treatment sa NOWtel isang telecommunication company.