Screenshot 2019 04 21 05 12 27
IMAGE | The News Pakistan

Puspusan na ang mga huling paghahanda para sa gaganaping Boao Forum for Asia sa Maynila bukas, April 22 hanggang 23.

Pangungunahan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang naturang aktibidad bilang board member mula sa Pilipinas.

-- Advertisement --

Nakatakda namang maghatid ng kanyang keynote speech si Pangulong Rodrigo Duterte at forum secretary general Li Badong.

Sumesentro sa temang: “Concerted Action for Common Development in the New Era” ng Boao Forum sa taong ito.

Inaasahan namang higit 300 Filipino at Chinese business leaders ang dadalo para pagusapan ang oportunidad ng investment.

Isinunod sa bayan ng Boao sa Hainan province ng China ang forum na inihahambing sa World Economic Forum ng Switzerland.