NAGA CITY – Patay ang isang Army official matapos ang nangyaring engkwentro sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang opisyal na si 2Lt. Jose Henry Nupueto Jr., 28-anyos, at residente ng Brgy. Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Sa impormasyon nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Division Public Affairs Office ng 9th Infantry Division, Philippine Army, nabatid na tumagal ng halos 30 minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng 96th Infantry Battalion at 2nd Provincial Mobile Force Company laban sa mga miyembro ng rebeldeng grupo sa Barangay Malaya.

Kaugnay nito, tiniyak ng mga Joint Task Force-Bicolandia na si MGen. Fernando Trinidad na mabibigyan ng mas intensified na security operations at hustisya ang tropa kontra sa mga rebeldeng grupo.

Samantala, ang naturang grupo ang una nang nakabakbakan ng mga militar kamakailan lamang sa Barangay Submakin sa nasabing bayan.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operations ng mga militar hinggil sa nasabing insidente.