Binisita ni Philippine Army chief, Lt Gen. Gilbert Gapay ang mga sundalo na nasa frontline ngayon na nagmamando ng mga quarantine checkpoints.
Nais kasing personal na malaman ni Gapay ang kondisyon ng mga tropa.
Partikular na binisita ng heneral ang mga sundalo na nasa checkpoints ng MacArthur Highway, Valenzuela, NLEX Bocaue, at Mindanao Avenue, Quezon City.
Sinabihan ni Gapay ang mga sundalo sa kahalagahan nila sa pag-contain ng virus at kung paano ito makakaapekto sa kanilang misyon at kalusugan.
Binigyan din ni Gapay ng moral support ang mga sundalo at hinimok na maging malusog para maprotektahan ang publiko.
Namahagi rin ito ng mga personal protective equipment.
“As we continue doing our best to ward of an unseen enemy, we will not forget to support those who protect us from the frontlines. We are grateful for your service, and you have our prayers and support as we undergo the enhanced community quarantine,” pahayag pa ni Gapay.