-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tuloy ang pagtugis ng pulisya at militar laban sa armadong grupo na nasa likod pagbaril-patay sa kandidato pagka-barangay kapitan sa Sigayan,Kapatagan,Lanao del Sur.

Ito ay kabila nang pagsisikap ng ilang Muslim elders na ginalang ng husto ng mga Maranao na matiwasay maipasuko ang prime suspect ng kremin na si
Pabil Pagrangan, mister ng reelectionist na chairwoman sa naturang barangay.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Lanao del Sur Provincial Police Office spokesperson Police Maj. Alinaid Moner na umaasa sila na magtagumpay ang kanilang Muslim elders sa negosasyon para mapanagot ang grupo ni Pagrangan sa sinapit ng biktima na si Kamar Bilao Bansil na nagtamo ng halos 10 sugat mula sa M-16 armalite rifles dahilan sa pagkasawi.

Inihayag ni Moner na ihahain na sana nila ang kasong pagpatay at double frustrated murder laban sa mga salarin subalit humingi ng palugit ang mga kaanak ng mga biktima dahil pag-uusapan pa umano nila ang susunod na mga hakbang.

Hindi inilayo ng pulisya na election related incident ang pambabaril dahil tinapatan ng biktima ang maybahay ni Bansil para sa pagka-barangay kapitan sa kanilang lugar kaugnay sa barangay at SK elections sa araw na Lunes.

Nasa ligtas ng kalagayan ang mag-ina na sina Jasmin Macalangen at 7 anyos na anak dahil hindi seryoso ang kanilang mga tama na kasalukuyang ginagamot sa pagamutan.

Napag-alaman na mag-iigib sana ng tubig ang mga biktima sakay ng kanilang sasakyan nang pinagbabaril ng mga salarin noong araw ng Miyerkules.